Ano ba talaga?

I was a bit uneasy this whole day. Okay, that was an understatement. haha! What a way to start another blog entry. 

No, actually, I have been going through a lot of videos about... Love. Of course, about love. Pero hindi ito yung mga tipong humahalera sa One More Chance. Mas masaya pa do'n. Sinasabi dito  'yung mga katotohanan na kapag nagmamahal o nasasaktan ka, hindi mo pinagtutuunan ng pansin.

I know right? Kung maaalala mo 'yung huling entry dito sa blog ko, tungkol yun sa struggles ko noong nagmo-move on ako. Oo, nabasa mo ng tama. Masasabi ko na kasi ngayon na okay na ako. Inaamin ko naman, wala pang two months ago, naramdaman ko na parang wala na talaga akong magagawa at masasdlak nalang ako sa bitterness ko. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Ayokong ibaling sa iba 'yung atensyon ko, dahil magiging unfair naman ako noon. Ayoko rin mag-kunwari na okay na ako, kahit na alam ko na hindi naman talaga. Maraming nagpayo, maraming nakinig. May ibang gusto ko ang ipinapayo sa akin, may ibang alam ko na hindi niya nauunawaan ang pinupunto ko. Kapag kasi nasasaktan ka, nakikinig ka sa mga payo ng mga tao sa paligid mo, pero, aminin mo man o hindi, ngumingiti ka nalang. Hindi dahil nasisiraan ka na ng ulo, pero kasi, do'n mo malalaman kung ano ba talaga yung gusto mo-- yung sa tingin mong kailangan mong gawin para mapanatag ka na.

Sabi nila, I don't deserve him daw. Humanap na daw ako ng iba. Alam ko naman, maraming higit pa sa kanya. Pero, kuntento na ako sa kanya e. Noong mga panahon na alam ko na wala na talagang kakahantungan pa 'yung relasyon namin, alam ko, na kailangan kaming mag-usap. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang sagot sa pagka-dami-dami kong tanong. Kung sa tingin niya, na hindi ako karapat-dapat para sa kanya, hindi ko na problema 'yun. Ang kailangan ko nalang, maintindihan ko 'yung mga bagay-bagay. 'Yun lang, masaya na ako.

After a week, alam ko na kung anong gusto ko. Pinuntahan ko siya sa bahay nila at kinausap ko siya. Sa tingin ko naman, naging maayos yung pag-uusap na 'yun. Umalis akong wala akong pinagsisisihan. Alam ko na may mali man ako, ginawa ko na lahat para iwasto 'yun. Umalis ako no'n, na desidido na wala na talaga. Pero, sa totoo lang, days after no'n, sinisilip ko parin ang facebook niya. :)

Isang araw, nagbabasa ako ng novel. Biglang sabi ko sa sarili ko, 'Ay tama na.' 

Tama na.

Hindi ako bitter, pero alam ko kasi na kung hindi ako titigil kakasilip sa facebook niya, hindi ako makakalayo. Kaya, pinutol ko na lahat ng connections naming dalawa. Alam ko 'yung number niyang bago, pero, hindi ko naman siya tine-text. *clap clap*

Sa kulit kong 'to, kung hindi ako napapalagay, e di sana, kinukulit ko na 'yon sa kaka-text ko. e, kaso, hindi e. :D

Hala, ang totoo, hindi naman siya ang topic sa entry na ito.

Kaya lang siguro 'to lumabas, dahil alam ko, na okay na ako. Kagaya nga ng sinabi ko sa facebook account ko..






Ito na yung huling beses na iisipin kita, lahat ng pinagdaanan natin, lahat nung tawa, pati na iyak ko. Pero higit sa lahat, ito na yung huling beses na iisipin ko kung paano na kaya "tayo"






Sa lahat ng nakinig, umintindi, naki-iyak, nakitawa, naki-tumbling, naki-simpatya:

Maraming salamat sa inyo. 

Sa sumama sa akin sa Angono, salamat sa'yo.

Sa humamon sa akin na patunayan na naka-move on na ako, (oo, ikaw yun!) salamat din sa'yo.

Sa nagpasaya sa akin noong mga panahon na alam mo na kailangan kong tumawa, salamat ng marami sa'yo. Alam ko na alam mo na ikaw ang tinutukoy ko. Sinabi ko naman sa'yo yun, di ba? Ikaw nga 'yun, 'wag na mag-alinlangan pa. 



Ikaw, 'di pa tayo tapos. 'Yung susunod dito, ikaw na ang topic do'n. Kaya ngayon palang, abangan mo na. Malay mo.. may sabihin ako doon. 












0 comments:

I look forward to hearing your feedback! :D