Si Gloc9 sa Parokya Nila Jay Noong UP Fair

As a hardcore music addict (student pala dapat to!), one of the events that I actually look forward (graduation ata dapat? haha!) every year is the UP Fair.

The UP Fair runs every February, on the week of THE Valentines. (This actually sucks because all performers seem to have THE Valentines Fever. Haha! Just Kidding. :P) From Tuesday to Saturday of that week, artists, mainstream or not, go to UP to impart their music. Yearly, the fair's theme revolves around present issues which affect not only the UP community, but the nation as well. Bilang Iskolars ng Bayan, we really believe that we are one of the nation builders. In order to be effective ones, we need to interact with the members of the nation, firsthand-- and so, the fair is open for everyone. (Kapani-paniwala ba yung rason ko? haha!)

Bilang isang magaaral ng unibersidad na ito, isa talaga itong bagay na talagang pinakahihintay ko. Parte ito ng isang kultura na humuhubog sa kabataan na balang araw ay tutulong sa Pilipinas. Mahirap maging bahagi ng kulturang ito-- palagi kang kulang sa tulog, nagaaral ka ng maayos(ata?) pero babagsak ka parin sa mga pagsusulit mo. Isa itong event na talagang nagiging rason kaya masasabi ko na "mahirap sa UP, pero masaya!".

Bukod sa kabi-kabilaang parties (oo, nagpaparty pa kami), isa ito sa nakakapag-alis ng hirap at pagod naming mga estudyante. Kaya, nakakabanas lang isipin na ang isang fair na pinaghirapan ng University Student Council at ng iba pang mga organisasyon ay guguluhin ng mga taong walang pakialam sa kulturang humuhubog sa amin. JJ's ang tawag namin sa kanila. Jumping Jologs. Pero ngayon, bago na. Jumping Jejemons na daw.

Alas siete pa lamang ng gabi, pumunta na kami sa Sunken Garden. Umulan nung umaga ng sabado, Pebrero 18, kaya naman inihanda ko na ang sarili ko sa tone-toneladang putik. At sa mga JJ's.

Maganda ang view ko, bilang matangkad ako. haha! Nasa bandang harapan kasi kami ng entablado. Kitang kita ko ang Up Dharma Down, Silent Sanctuary, Typecast, Youth, Hilera at marami pang iba. Pero kagaya ng lahat, pinakahihintay ko siyempre ang Parokya ni Edgar, Kamikazee at si Gloc9.


Sino ba naman ang hindi makikikanta sa kanila? Sino ang hindi tatango? Sino ang hindi makikihiyaw? O sige, minsan, okay lang tumalon-talon ng kaunti, pero kaunti lang kasi masikip.

Pero 'yung mga JJ's? Tumatalon, humihiyaw, nanunulak, nagsusuntukan, nagbabalyahan, nagkakargahan, nagwawala at nagpapatayan na ata. Masaklap pa no'n, wala silang pakialam sa mga taong nasa paligid nila. Kahit may mga magagandang dilag (ehem!) na malapit sa kanila na nakikiusap (nagmumura na rin!) na 'wag naman sanang magtulakan, wala silang naririnig. Nabibingi na ata sa sobrang kasiyahan. Kaya wala na silang pakialam kung nakakagulo na sila, o nakakasakit ng ibang tao. Buti nalang, andoon si Chito at si Jay, at si Gloc9 at si Buwi, Good Vibes parin! :">

Andito na si Chito, si Chito Miranda! Naka-itim, nakatayo, nakatingin sa likod.

Si Vinci yung nagliliwanag na yun sa gitna, haha!

Andito rin si Gloc9, wala siyang apelyido!


Yes, yes show! :) Ang cute ng reaksyon ni Chito noong si Vinci na ang bumabanat pagkatapos nito. Para siyang natatawa na nagugulat sa angas ni Vinci. :)

Marami pa yan, hanapin mo ako, tignan mo yung original size! :D

Mahirap sa UP Fair, pero, masaya! :D


PS.

Nagsimba nga pala ako kanina, nagpasalamat ako at nakauwi pa ako ng buhay pagkatapos kong maranasan ang JJ's Version 2.0. (Hardcore na sila ngayon, napapa-nganga na nga lang ako e!)





Sa uulitin.

0 comments:

I look forward to hearing your feedback! :D