Why I Felt Like Writing Again

I have been missing for seven months now. I felt contented just reading other blog posts I stumbled upon along the way. Recently, I went though a LOT.


No matter how happy you are, things just sometimes go SO wrong.

Before we think that we are strong, we believed that we are weak. After all the ups and downs of my current relationship, I thought that I am strong enough. Sa dinami-rami ba naman ng mga problemang pinagdaanan namin, sino kaya ang hindi magiging matatag sa huli? Oo, marami na talaga. 


Less than a month ago, akala ko, nakakapraning na 'yung malaman na nakikipaglandian na naman ang boyfriend ko dun sa iniwanan niyang ex. Akala ko, 'yun na yung sukdulan ng lahat ng sakit na pwede mong maramdaman galing sa isang karelasyon mo. Grabe, akala ko talaga, mahahati ako sa dalawa. Ganun kasakit.


It turned out, weeks after, meron pa palang mas malala. Maniwala kayo, mayroon pang mas malala. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko na alam ang iisipin ko, o ang sasabihin ko. Gusto ko nalang maglaho na parang bula. Gusto ko na lang sumigaw hanggang mapatid ang litid ko. 


Nakakadiri. Sobrang nakakadiri. Hindi ako maarte. Hindi ako maselan, pero sadyang may mga bagay na SOBRANG NAKAKADIRI. May mga taong, SOBRANG NAKAKADIRI. Hindi ko inakala na makakaramdam ako ng ganto sa tanang buhay ko-- 'yung pakiramdam na  nandidiri ka na, maisip mo palang sila. 


Ayoko mang punuin ang entry na ito sa mga nakakadiring mga bagay, nangyari na eh. Gawin na lamang nating may kabuluhan:


Friends, 'wag kayong papasok sa isang relasyon kung hindi kayo handang masaktan. Dito lang kayo makakaranas ng sakit na hindi niyo inakalang mararanasan niyo dahil masaya naman kayo at nagmamahalan. Hindi ko kayo tinatakot, maniwala kayo. Ang akin lang, gusto kong malaman ninyo ang totoo-- kahit na anong saya ng relasyon niyo, dadating at dadating ang panahon na magkaka-away kayo at masasaktan niyo ang damdamin ng isa't isa. 


Minsan nga, parang ayaw mo na. Kaso, kapag nagmamahal ka, hindi mo iiwan ang taong alam mong kailangan ka para magbago. 


Or not? :)



0 comments:

I look forward to hearing your feedback! :D