My last post was dated May 3, 2011. It's exactly six months and twenty three days when I decided to finally write again.
I started being in a relationship when I was way younger. In a lot of ways, I was like any other teenager-- I wanted my boyfriend's world to revolve around me, I was the bahala-ka-dyan-suyuin-mo-ako girlfriend. I never really bothered to settle our differences. If it won't work out, okay lang. Kahit na gaano ko pa siya kamahal, okay lang 'yun. Hindi ako gumagawa ng paraan para magka-ayos kami, hindi ko siya pinapakinggan o pinapaniwalaan. Sa loob ng tatlong taon, pinili kong hindi na muna pumasok sa isang relasyon. Sa loob ng panahong iyon, marami akong natutunan. Mga bagay na alam kong kailangan kong baguhin, iwasto. At noong Mayo, alam ko na handa na akong harapin ulit yung hamon na magmahal, alam ko na hindi na ako ang selfish teenager na ako noon at ilalaban ko ang alam kong gusto ko-- hanggang tama, at kaya ko.
Kaya rin siguro ako tumigil muna magsulat. Hinarap ko siya ng buong-buo. Lahat ng panahon na kaya kong ilaan, inilaan ko sa kanya. Sa loob ng anim na buwan, sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin, at sa kabila ng lahat ng pagbabagong naganap sa akin, matatapos rin pala ang lahat.
Masakit sa akin, sobra. Masakit rin sa kanya. Kaya hindi ko maunawaan kung bakit ganito ang magiging katapusan ng lahat. Sa pakiramdam ko, hindi pa ito ang last chapter. Ako, umaasa ako na magiging maayos pa ang lahat. Hindi pa ako nagle-let go. Hindi ko alam kung anung hinihintay ko para sabihin na tama na, oras na.
Nakakamangha lang ako.. na noon, akala ko, masaya na ako na single ako. Tapos dumating siya, at ipinakita na mas magiging masaya ako kasama siya. Binago niyang lahat ang mga nakasanayan ko. Pinuntahan niya lahat ng pinupuntahan ko. Pinuntahan namin lahat ng hindi ko pa napuntahan. Kumain na sa lahat ng hindi ko pa nakakainan.
Ngayon, hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula. Lahat ng puntahan ko, andoon ang alaala naming dalawa. Lahat ng gawin ko, andoon siya. Paano nga ba? Ako kasi, nakalimutan ko na.
Para na naman akong teenager, na feeling ko, first time lang ulit mangyayari 'to.

hala. this is sad. :( aja sigrid! *hug
ReplyDeleteaw ate nina.. thank you. :)
ReplyDelete